
Hello sainyo! Loraine Erika M. Panganiban nga pala ang pangalan ko. Maaari niyo akong tawagin na Erika. Ano nga ba ako bilang isang anak, estudyante at kaibigan? Sino nga ba talaga ako? Halina at samahan mo akong ikwento kung sino ba talaga ako.

Isang simpleng babaeng nangangarap lang din na maging matagumpay sa buhay, yan ako. Bilang isang estudyante, ako ay tutok sa aking pag aaral. Isa akong Grade 11 – ABM student sa St. Bridget College. Nagpupuyat, nagaaral at nagsisipag ako upang maging isang CPA o Certified Public Accountant balang araw. Ginagawa ko ang lahat ng aking makakaya upang makabawi sa lahat ng paghihirap na dinanas ng aking mga magulang para lamang sa kinabukasan ko.

Malapit ako sa aking pamilya. Sila ang aking mga sandalan sa tuwing ako ay nasasaktan at nahihirapan. Nariyan lagi sila para sa akin at sinusuportahan ako sa anumang daan ang aking tahakin. Pangalawa ako aming tatlong magkakapatid. Madaldal ako sa aking pamilya. Halos lahat na lamang na nangyayari sa akin sa bawat araw ay alam nila. Hindi maikakaila ang pagiging bukas ko sa kanila dahil sa lahat ng bagay, lagi ko din silang kasama.

Bilang kaibigan, ako ay maaasahan sa anumang bagay. Mapagbiro, masayang kasama at higit sa lahat mapagmahal ako sa aking mga kaibigan. Isa sa mga taong higit ko ding pinapahalagahan ay ang aking mga kaibigan. Bukod sa aking pamilya, sila din ang aking mga inaasahan pag ako ay may problema at ganun din ako sa kanila. Balang araw, sabay sabay din kaming aakyat ng stage upang makuha ang aming mga diploma at matupad ang aming mga pangarap.
Ilan lamang iyan sa mga bagay na nalamn niyo sa akin. Abangan ang aking susunod na blog para sa karagdagang mga chika. Hanggang sa muli!

